Ang Saring Himig Choir kasama ang TFC Pop Star Middle East Grand Champion, Ms. Kimverlie Molina
Ang Saring Himig Choir nang sila’y sumali sa competition sa Riva Del Garda, Italy. Ang Saring-Himig Choir habang nagpe-perform sa mga nauna nilang konsiyerto.
Max Bringula (Abante ME Edition, 23 June 2010)
Isang natatanging konsiyerto ang malapit ng masaksihan sa darating na Huwebes, 24 June 2010, na siyang pinaka-finale sa month-long celebration ng 112th Philippine Independence Day sa Eastern Province, Saudi Arabia.
Ito ay ang Blends 2 na magtatampok sa Silver Awardee ng 8th “IN CANTO SUL GARDA” International Festival and Choir Competition 2009, Riva Del Garda, Italy, ang ipinagmamalaki ng Eastern Region, ang Saring-Himig Choir.
Ang pagtatanghal ay gagawin sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) sa ganap na ika-anim ng gabi (6:00 PM).
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Overseas Labor Office, Eastern Region Operations (POLO-ERO), inihahandog ng Saring-Himig Choir ang ikalawang serye ng kanilang matagumpay na konsiyerto na umani ng papuri at parangal sa nasabing grupo.
May labing-apat na mga awitin sa Repertoire ang inihanda ng Saring-Himig Choir para sa kanilang mga tagasubaybay, tulad ng Kruhay, Sana’y Wala ng Wakas, Lollipop, Die Nacht, Bituing Walang Ningning, Papa Ka Ba?, My Immortal, at marami pang iba, sa gabay at kumpas ng kanilang conductor na si Choirmaster Aurel V. Magtuto at sa direksiyon ni Elmore Francisco.
Bukod sa Saring-Himig, tampok din ang 2010 Pop Icon Season 3 winners na sina Timothy John Gamol (1st Runner-up) at Mr. Arne Osabel (3rd Runner-up) bilang mga Guest Performers. Ang Globe Asiatique at Western Union naman ang siyang pangunahing sponsors ng nasabing pagtatanghal.
Ang konsiyertong gaganapin ay paghahanda na rin ng Saring-Himig para sa nalalapit nilang pagsabak muli sa choir competition sa abroad kung saan kanilang ire-represent ang mga OFWs sa Saudi Arabia.
Kaya’t ating inaanyayahan ang lahat na suportahan natin ang konsiyertong ito para sa ikakatagumpay ng Saring-Himig sa sasalihang competition. Ang ticket ay nagkakahalaga ng Saudi Riyals Thirty (SR 30). For ticket inquiries, maaari kayong tumawag kay Mr. Rollie Salcedo sa numerong 054-0319395.
Minsan ng naghatid ng karangalan ang Saring-Himig Choir sa bansang Pilipinas at sa Saudi Arabia kung saan mayroong apat na milyong OFWs na nagtratrabaho’t naninirahan, nang kanilang makamit ang Silver Award sa 8th “IN CANTO SUL GARDA” International Festival and Choir Competition 2009, na ginanap sa Riva Del Garda, Italy.
Ang “In …. Canto Sul Garda” na ang ibig sabihin sa ingles ay “Singing Together at the Enchanting Garda Lake” ay ginaganap taun-taon sa matanawing bayan ng Riva del Garda. Ito’y nilalahukan ng iba’t ibang choir group sa iba’t ibang kategorya tulad ng jazz, gospel music, pop at folk songs.
Sa mahigit na apat-na-pung kalahok mula sa dalawampung bansa sa iba’t ibang kategorya, namukod-tangi ang galing ng all-male choir mula sa Saudi Arabia sa folkloric category. Hinangaan sila sa kanilang rendition ng tanyag na Ilokano Song na “Ti Ayat Ti Maysa Nga Ubing”, gayundin ng mga awiting “Pong Pong Ginap”, “Chua-ay” at “Pokpok Alimpako”, na mga winning piece ng nasabing choir group.
Nakapagtanghal na rin ang Saring Himig Choir ng iba’t ibang konsiyerto tulad ng “Blends 2005” at “Maligayang Acapella Po” noong 2005, “Say It with a Song” noong 2007, “Homsik” noong 2008 na nagkaroon pa ng Part 2 ng taong ding iyon, at ang “Go the Distance”, Prelude to the 8th In Canto Sul Garda International Festival and Choir Competition ng taong kasalukuyan.
Ang Saring Himig Choir ay isang non-profit at lehitimong organization na naitatag noong 2004 sa Eastern Province na may layuning maging daan na mabigyan ng pagkakataon ang bawat OFWs na may husay at hilig sa musika na maipamalas ang angking talino. Ang grupo ay naglalayon din na maging bahagi sa pagtataguyod ng pagkakaisa ng bawat Pilipino sa labas ng bansa sa pamamagitan ng kanilang uri ng musika. Tinuturing ng Embahada ng Pilipinas ang Saring Himig Choir bilang isa sa community partner nito.
Kaya tayo na, ating suportahan ang naiibang pagtatanghal ng Saring-Himig Choir as they blend their voices for our heart’s delight in Blends 2.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment