Makikita sa litrato sina Labor Attache David Des Dicang kasama ang mga volunteers at SBEI’s. Ang mga marshals at volunteers na nag-assist sa mga botante sa Alkhobar. Ang ballot box habang dadalhin sa precinct na pagbbilangan ng boto. Makikita sa likuran ang mga SBEI’s habang binibilang ang mga boto sa isa sa mga voting precinct sa IPSA
Max Bringula (Abante ME Edition, 15 May 2010)
Kasabay ng pagsimula ng halaan sa Pilipinas nitong Lunes, 10 May 2010, ay ang pagtatapos naman ng overseas absentee voting (OAV) sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kasama na ang Gitnang Silangan.
Dito sa Eastern Province, Saudi Arabia kung saan mayroong 21,597 registered voters, naging matiwasay at maayos ang eleksiyon na isinagawa sa loob ng isang buwan mula noong 10 April 2010. Maliban sa manaka-nakang pagkakadismaya ng ilang mga botante sa pagkaka-delist o pagkawala ng kanilang pangalan sa certified list of voters na inilabas ng COMELEC, naging payapa sa kabuuan ang katatapos na OAV sa Eastern Province na ginanap sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar).
Sa pangunguna ni Labor Attache David Des T. Dicang, nagkaroon ng systematic flow ng pagboto hanggang sa mismong araw ng bilangan. Gayundin, upang matiyak ang kaayusan, nagsagawa si LabAtt Des ng continuous briefing at orientation ng mga SBEI’s (Special Board of Election Inspectors) at pulong sa mga volunteers, marshals at poll watchers, kung kailangan.
Sinikap din ni LabAtt Des na maging transparent upang mapawi ang ano mang duda o ibang kaisipan, kung mayroon man. Naging maluwag siya sa ilang mga procedures ng COMELEC na hindi naman naisa-sakripisyo ang sanctity at secrecy ng boto. May mga proper ID’s na ibinigay sa mga volunteers at marshals. Ang Media personnel mula sa TFC (ABS-CBN), GMA-7 at pati na ang inyong lingkod sa Abante Middle East Edition ay binigyan ng pagkakataong mai-cover ang kaganapan ng eleksiyon at pagbilang ng boto.
Malaking tulong din ang nagawa ng “tagging system” na ipinatupad ng COMELEC sa ikakaayos ng eleksiyon, kung saan maaaring makaboto ang isang botante na nasa Eastern Province bagama’t ang pangalan niya ay na sa listahan ng Riyadh, at vice-versa, yaong mga nasa Riyadh na ang pangalan nama’y napunta sa Eastern Province. Ang Eastern Province ay binubuo ng Dammam, Dhahran, Alkhobar, Jubail, Al-Ahsa, Qatif, at iba pang karatig-pook.
Ang “bayanihan” spirit ng mga Pilipino sa mga gawaing tulad nito ay isang malaking kontribusyon din sa tagumpay ng katatapos na OAV sa Alkhobar. Ang iba’t ibang samahan ng mga Pilipino tulad ng AFCSCOM (All Filipino Community and Sports Commission), Guardians Republican International, Inc. (GRII), Pag-asa Community Support Group, at iba pa, ay nagtalaga na kani-kanilang mga volunteers at marshals na siyang nag-assist sa mga botante. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng Poll Watchers mula sa Bangon Pilipinas Party at Gabriella sa buong panahon ng botohan at sa huling araw pati na ang aktuwal na pagbilang sa mga boto.
Mula sa 21,597 certified list of voters sa Eastern Province, mayroong 4,974 ang nakaboto, o 23% sa kabuuang botante. Sa bilangangang naganap, nanguna ang tandem ni Benigno “Noynoy” Aquino III at Mar Roxas bilang Pangulo at Pangalawang-Pangulo na nakakuha ng mahigit na dalawang libong boto bawat isa. Ang natitirang mahigit-kumulang na dalawang libo ay nahati naman sa ibang Presidentiables.
(Photos courtesy of Duane Sta. Ana)
Friday, May 14, 2010
OAV Sa Alkhobar, Maayos Na Natapos
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment