Max Bringula (Abante ME Edition, 04 July 2009)
Isa na namang sikat na mang-aawit ang nadagdag sa bilang ng mga iniidolo ng tao na kahiman pumanaw na ay mananatiling buhay sa puso’t isipan ng mga tagahanga nito.
Binawian ng buhay noong Huwebes ng hapon, 25 June 2009, ang tinaguriang “King of Pop” na si Michael Jackson. Marami ang nalungkot at lumuha nang mabalitaan ang pagpanaw ng kanilang idolo. Ang iba’y di makapaniwala na patay na ang hinahangaang mang-aawit na napagpasikat ng moonwalk dance at mga awit na pumatok sa Billboard Chart. Ilan sa mga ito ay ang “Thriller”, “Billie Jean”, “Beat It”, “The Girl is Mine” at “Wanna Be Startin’ Somethin”.
Maging ang mga pinuno ng ibang bansa ay nagbigay ng kanilang pagpapahayag ng kalungkutan gaya ni Venezuelan President, Hugo Chavez at South Korean President Kim Dae-jung. Buong mundo ay nakipagluksa.
At tulad ni Elvis Presley na pumanaw noong August 16, 1977 at ni John Lennon na nasawi noong December 08, 1980, si Jackson ay maituturing na music icon kung saan ang alaala nito ay tiyak na laging sasariwain taun-taon lalo na ng mga panatikong tagahanga. Ngayon pa lamang, natitiyak kong darami ang magtatangkang magpatayo ng monumento ni MJ bilang pag-alala sa kaniya, at ang pagsulat at pagtatanghal ng tribute sa King of Pop.
Una kong narinig si MJ sa awit na “Ben” na siyang theme song ng pelikulang “Willard” na pumatok sa takilya noong araw. Ito’y isinapelikulang muli nitong 2003.
Dapat sana ay magkakaroon ng “comeback concert” si MJ kung saan makakasama niya ang Filipino sensation na si Charice Pempengco sa concert na inihahandang ganapin sa 13 July 2009 na may pamagat na “The Final Curtain”.
Marahil ang concert na ito ay pagpapahiwatig na ni MJ ng kanyang nalalapit na pag-alis na kung kaylan ay di rin niya lubos na batid subalit marahil ito’y kanya ng nararamdaman kung kaya’t sinikap na maghandog ng kanyang comeback concert na “The Final Curtain”.
Sa mga tagahanga ni MJ, siya’y isang alaala na lamang. Alaalang babalikan at tatanaw-tanawin sa mga darating na araw, buwan at taon. Isang maliwang na katotohanan na ang buhay ay hiram lamang at di natin hawak. Darating ang araw ng paglisan at pagbabalik sa alabok. Kung kaya’t mainam na pahalagahan ang bawat araw at sikaping nakalulugod sa Kaniya ang ating buhay.
Tapos na ang awit. Isinara na ang telon. Patay na ang kanina’y nagkikislapang mga ilaw. Itinigil na rin ang pag-inog ng kamera. Wala na ang nakakabibinging palakpakan kungdi ang nakalulunos na pagtangis ang iyo ng maririnig.
****************
Embassy On-Wheels sa Eastern Province Muling Gaganapin sa 2-3 July 2009
Inihayag ng Philippine Embassy sa Riyadh na muling dadalhin ang consular services sa Eastern Province sa darating na Huwebes at Biyernes, 02 and 03 ng July 2009. Ito’y isasagawa sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) sa mga sumusunod na petsa at oras:
8:00 AM – 5:00 PM (Thursday, 02 July 2009)
8:00 AM – 12:00 pm (Friday, 03 July 2009)
Tulad ng dati, ang pagkakaroon ng machine-readable passport (MRP) ang pinaka-main activity ng buwanang Embassy On-Wheels (EOW).
Noong nakaraang EOW na ginanap noong 28 at 29 May 2009, may 617 new applications ang na-process at tinatayang maire-release ito sa darating na Huwebes at Biyernes. Gayunpaman, mas mainam na i-verify kung ito’y available na o dumating na mula sa DFA sa Maynila. Maaaring alamin ito sa website ng Embassy na www.philembassy-riyadh.org.
Samantala, marami ang nagtatanong kung Kaylan muli magkakaroon ng Overseas Absentee Voting Registration sa Eastern Province pagkatapos ng apat na linggong sunod-sunod na isinagawa noong 14 May hanggang June 05 ng taong kasalukuyan. Pagkat dalawang buwan na lang halos ang natitira sa schedule na ibinigay ng COMELEC para sa OAV Registration na magtatapos ng 31 August 2009, subalit hanggang ngayo’y wala pang registration na naulit bagama’t nagbigay na ng request ang Philippine Embassy sa Riyadh at ang POLO-Eastern Region Operations sa COMELEC at DFA ng extension ng registration, ayon kay Labor Attache David Des T. Dicang.
Sana’y di pa huli ang lahat para mabigyan ng pagkakataon ang libo-libong mga OFW’s sa Eastern Province na nais makaboto sa darating na national election sa May 2010.
(For comments and reactions, please eMail maxbringula@yahoo.com)

No comments:
Post a Comment