Monday, August 24, 2009

Selebrasyon ng Kalayaan, Handang-handa Na!

Max Bringula (Abante ME Edition, 06 June 2009)

Ilang tulog na laang, ika nga, at mararanasan ulit ang kakaibang pagdiriwang na isinasagawa ng bawat embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung saan mayroong mga OFW’s na nagtratrabaho at naninirahan kapag sumasapit ang June 12, ang “Araw ng ating Kasarinlan” o ang “Araw ng Kalayaan”.

Iba’t ibang programa ang kanilang inihanda sa pagnanais na mahandugan ang mga manggagawang Pilipino ng sigla at saya saan mang panig ng mundo sila naroroon.

Kung kaya’t kasabay ng pagdiriwang ng 111th Philippine Independence Day ay ang pagdiriwang din ng 14th Migrant Workers Day. Ang dalawang pagdiriwang na nabanggit ay may taglay na tema na “Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan”.

Dito sa Gitnang Silangan kung saan matatagpuan ang malaking bahagi ng mga OFW’s, ang bawat isa ay handang-handa na sa pagdiriwang, at ang iba nga’y may mga programa ng nagsimula bago pa man dumating ang June 12, tulad ng Qatar at Bahrain, at maging dito sa Saudi Arabia. Ang Riyadh ay may isang buwang pagdiriwang na magsisimula sa Clean-Up Project at Photo Exhibit and Contest sa darating na June 5, bukod pa sa pagdiriwang na inihanda sa mismong araw ng Kalayaan.

Magkakaroon ng Sports and Exhibition Games kung saan ang pambato ng Eastern Province, ang POLO-ERO Cuties Basketball Team, na siyang defending Champion ay muling sasagupa sa mga manlalaro ng Riyadh at Jeddah upang panatilihin ang titulo para sa 2009 Kalayaan CUP.

Bukod dito ay mayroon ding gaganapin na Hatid-Saya (Handog Para sa OFW), isang entertainment show sa June 18, Filipino Community PICNIC sa June 19, at Heritage Night o Festival of Dances sa June 26.

Siyempre di rin naman pahuhuli ang Eastern Province sa mga selebrasyong nakalaan at nasimulan na bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Sa pangunguna ni Labor Attache David Des T. Dicang at pakikipagtulungan ng iba’t ibang Filipino community groups sa Eastern Province ay inilunsad ang “Awit at Sigla” na may temang “Awit at Sigla sa Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan”. Ang nasabing programa ay may dalawang bahagi, ang paligsahan sa awit o Musical Festival at paligsahang pampalakasan o Sports Festival.

Ang musical festival ay kinapapalooban ng Individual Singing Contest sa apat na kategorya – ang kids, teens, adults at yung mga 40’s and above na kanilang tinawag na “Pwede Pa Kami”. Ang Elimination Phase ay ginanap noong 26 May at sa June 5 ay gaganapin ang Semi-Final na idaraos sa Jubail.

Ang pinakaka-abangan namang Final ay sa mismong June 12 gaganapin na idaraos sa International Philippine School in Alkhobar (IPSA) na siya ring venue ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Ang TFC (The Filipino Channel) Popstar Champion na si Kimverlie Molina ay nagpaunlak na aawit kasama ang mga mapipiling contenders sa Final phase sa apat na kategorya.

Samantala ang Semi-Final Games naman sa Volleyball Tournament na bahagi ng idinaraos na Sports Festival ay gaganapin sa June 4 para sa Men’s Division kung saan pumasok ang mga koponan ng Purefoods Cooked Beef, Al Suwaidi Eagles, VEEP at ang AYTB-Jubail, at sa June 5 ang sa Women’s Division na kinabibilangan ng mga koponang Saad Specialist Hospital, KFSH-Magnolia Ice Cream, Royal Commission Hospital at Mohammed Al-Dossary Hospital. Ang awarding sa mga mananalong koponan ay June 12 naman gaganapin.

Bukod sa mga nabanggit, ang mga sumusunod na kaganapan ang naghihintay sa pagdiriwang ng 111th Philippine Independence Day at 14th Migrant Workers Day dito sa Eastern Province:

- Flower Offering by the Order of Knights of Rizal (OKOR)

- Parade Entrance of Colors (Embassy Officials, ExeCom Members, Heads of Philippine Schools and Filipino Organizations)

- Noon, Ngayon at Bukas (a glimpse of Philippine Independence)

- The Prime Note Ensemble (PNE) Sings for FREEdom

- Musical Extravaganza with special guest artist from the Philippines

- Free Medical services

- Display of Filipino Products & Food and Cuisine

Ang panauhing pandangal sa nasabing okasyon ay walang iba kungdi ang Undersecretary ng Department of Foreign Affairs na si Hon. Rafael E. Seguis na siyang magdadala ng Mensahe mula sa Pangulo ng Pilipinas at sa Secretary of Department of Foreign Affairs.

Ang Working Committees ng taong ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Executive Committee: Labor Attache David Des T. Dicang (Chairman), Welfare Officer Edgar D. Lim (Vice-Chair), Mary Jane Tupaz ng RASA bilang Overall Program Coordinator, at mga members na sina Roilo Alojado (SAHI/AFCSCOM), Engr. Peter Marfa (OFW Congress), Engr. Reggie Montana (AFCSCOM), Mrs. Lita Rulloda (PSD Principal), Mrs. Veronica Punzalan (IPSA Principal), Dr. Eduardo Malagapo (AAIS Principal), Jun Eledia (FILPOP), Robert Olarte (FILCOM-Jubail), Jess Gabon (BUMPIHA), Ted Rolloqui (PPO), at Dennis Dasal (Society of Filipino Health Care Workers).

Various Committees: Way and Means (Bien Manuel ng PICPA), Venue (Engr. Gabalmel Ignacio ng PSME), Cash Prizes, Trophies & Gifts (Engr. Fernando Crisosto ng PSSP), Raffles (Joaquin Rillo ng IECEP), Cultural Parade (Reynaldo Alejandro ng Bulakenyo), Cultural Program (Liza Catanus ng SAHI), Musical Festival (Dr. Ronnie Molina ng FILPOP), Board of Judges (Roilo Alojado ng SAHI/AFCSCOM), Sports Festival (Ma. Lourdes Silverio ng AFCSCOM), Protocol & Security (Edgar Cataluna ng SMPII), Stage Decoration (Ramil Tolentino ng SFFD), Crowd Control (Engr. Ismael Sulit ng Kasangga ng OFW), Public Information (Max Bringula ng Pag-asa), Reception and Invitations (George Palencia ng United Bicolanos), Physical Arrangement and Facilities (Joey Espinosa ng SNE), Documentation & Certification (Jojo de Luna ng Desert Fox Shooters), Newsletter (Edison Plandez and Chito Neyra ng Beta Sigma), Fiesta Booths and Food & Beverage (Rosendo Espiritu ng D’ Heroes Group), Medical (Wilda Diaz ng Society of Filipino Healthcare Workers), at Special Guest Artist (Welfare Officer Edgar Lim ng POLO-ERO).

Tinatayang magiging isang tagumpay ang pagdiriwang na ito tulad ng mga nakaraang taon. Kung kaya’t inaanyayahan ang lahat ng kababayan natin na makilahok sa natatanging selebraysong ito at sama-sama nating ipagdiwang ang ating kasarinlan.

(For comments and reactions, please eMail
maxbringula@yahoo.com)

No comments:

Post a Comment