Wednesday, August 26, 2009

Computer-Literacy, Kailangan ng Bawat OFWs

Max Bringula (Abante ME Edition, 29 July 2009)

Ang mabilis na pag-usad ng teknolohiya lalo na sa larangan ng komunikasyon ay isang mahalagang dahilan kung bakit kinakailangan na ang bawat overseas Filipino workers ay maging computer-literate o may basic knowledge sa computer o paggamit nito. Pagkat kung hindi, siya’y mapag-iiwanan at maaaring mahirapang sumabay sa bilis ng pagbabagong nagaganap.

Ito’y sa dahilang lahat ng ating ginagawa ay naka-computer-based na, o ginagamitan ng computer. At dahil dito, hindi lamang ang mga nagtratrabaho sa opisina ang dapat marunong sa computer o yung mga nasa larangan ng Information and Communications, kungdi ang bawat sino man ay kailangang may alam sa basic computing. Maging ang mga prospective employer sa ngayon ay nire-require na ang pagiging computer-literate sa mga aplikante nito.

Sadya ngang napakahalaga nito lalo na sa ating kapanahunan. Noong araw ang komunikasyon sa pagitan ng OFW at ng kanyang pamilya sa Pilipinas ay sa pamamagitan ng sulat lamang na ang normal na delivery ay umaabot sa lima o pitong araw, o kaya naman sa pamamagitan ng long distance call na ang rate ng tawag bawat minuto ay may kataasan.

Subalit ngayon ay hindi na. Ang komunikasyon ay pinabilis sa pamamagitan ng electronic mails o chatting kumpara nung araw na sulat lamang ang inaasahan ng bawat OFWs para makabalita sa mga mahal sa buhay. Ngayon ay “real time” na ang komunikasyon.

Ang pag-aaral sa basic computing ay di naman mahirap matutunan. Karamihan nga ay natututo “through experience” lang o kaya’y sa tulong ng kaibigan o kasama na may kaalaman dito. Maari rin namang matuto sa pamamagitan ng pagbabasa o pagmamasid. At kung may mga organisasyon na naghahandog ng libreng pagtuturo o kahit may bayad man, dapat na wag palampasin ang ganitong pagkakataon.

************
COMSOFIL-EP Announces Registration for the 2nd Semester of its Computer Class

Samantala, inihayag ng COMSOFIL (Computer Society of Filipinos International) Eastern Province Chapter ang pagsisimula ng registration para sa second semester ng kanilang Computer Class na isinasagawa taun-taon. Ang pinakahuli’y natapos lamang noong 26 June 2009 kung saan mayroong 135 graduates. Ayon kay Ginoong Ronald Acosta, Pangulo ng COMSOFIL sa taong 2009, may 600 na nagsipagtapos ng kanilang Computer Class mula ng ito’y kanilang simulan.

Para sa second semester na magsisimula sa September 4 at magtatapos ng October 23, 2009 (na idaraos tuwing Biyernes lamang), narito ang mga pag-aaral na tatalakayin:

1) Desktop & Laptop Assembly, Maintenance and Troubleshooting
2) Microsoft Office 2007 (Microsoft Word & Excel – ADVANCE)
3) Microsoft Office 2007 (Microsoft Access & PowerPoint – BASIC)
4) Adobe Photoshop – ADVANCE
5) Autodesk AutoCAD – BASIC
6) CISCO 1 (Networking)
7) MS Windows Server 2008 (Active Directory, Configuring)

Ang enrollment ay isasagawa sa August 7, 14, 21 at 29 sa Chow Restaurant mula ika-apat ng hapon hanggang ika-walo ng gabi. Sa mga karagdagang katanungan, makipag-ugnayan lamang kay Ronald Acosta (President) – 0508741613, Jun Defeo (VP-Education) – 0507925720, at Bong Breta (VP-Engineering) – 0551674021.

************
KASAPI Congress in Jeddah will conduct “Beyond Computer Basics”

Inihayag naman ni Ginoong John Asperilla, Secretary General ng KASAPI Congress sa Jeddah ang pagdaraos ng computer class na “Beyond Computer Basics” simula sa August 7 hanggang October 2, 2009 (tuwing Biyernes lamang) mula ika-walo ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa La Parilla Restaurant, Madina Road, Jeddah, Saudi Arabia, kung saan tatalakayin ang mga sumusunod:

1) Windows Operating System (XP or Windows Vista)
2) Computer Networking System
3) MS Visual Basic 6 Programming
4) ORACLE
5) Website Design and Hosting
6) Computer Assembly and Troubleshooting
7) Electronic Security Solutions
8) MS Project Management
9) Adobe Photoshop and Flash

Sa mga karagdagang katanungan, makipag-ugnayan lamang kay John Asperilla (0509539410), Vicente Aguila (0509304090), Rodolfo Cornejo (0509762330) at Nazruddin Dianalan (0560046512).

(For comments and reactions, please eMail at
maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

1 comment:

  1. Hi kaibigan, dito ako upang sabihin sa iyo ang lahat ng kung paano ako manalo pabalik ang aking asawa pagkatapos ng mahabang paghihiwalay. Hindi ako nakapagsanganak pagkatapos ng anim na taon ng pag-aasawa, kaya hinabol ako sa bahay ng aking asawa at ng kanyang pamilya nang sabihin ko ang isang matandang kaibigan ko na nagturo sa akin sa dakilang lalaking ito na nakatulong sa akin na maibalik ang nasira kong tahanan. ang tunay na isang bagay ng kagalakan at ako ay napakasaya ngayon kasama ang aking asawa at ang aming maliit na prinsesa mandera. Lahat salamat sa mahusay na doc na ito. narito ang kanyang kontak kung kailangan mo ng anumang tulong mula sa kanya. email: okosunhomeofsolution@gmail.com o whatsapp sa pamamagitan ng +2348026905065

    ReplyDelete