Max Bringula (Abante ME Edition, 06 July 2009)
Bumuhos ng simpatiya mula sa Pilipino ang pagkakapaslang kay Laila Castano na naganap mismo sa loob ng kanilang tahanan sa may First Street, Alkhobar noong Linggo, 28 June 2009. Bangkay na nang maratnan ni Ric Castano ang asawa nang siya’y umuwi galing sa trabaho sa Aramco-Abqaiq.
Marami ang di makapaniwala at marami ang nalungkot at labis na nag-alala at natakot sa dumaraming krimen na nagaganap kung saan ang mga kababayan natin ang kadalasa’y biktima.
Naging usap-usapan ang pangyayaring ito sa bawat lugar na kung saan may mga Pilipinong nakatira o nagtratrabaho. Maging ang ibang lahi ay namahagi ng sipi ng ating inilathalang “Ibayong Pag-iingat, Dapat Gawin” (Abante Middle East Edition, July 01) sa mga kakilala nilang Pilipino bilang pagmamalasakit na mag-ingat.
Sadya ngang nakalulungkot kung iisipin ang sinapit ng Castano Family. Ang mag-asawang Ric at Laila Castano ay naka-iskedyul na sanang uuwi ng Pilipinas ng July 4, bagamat may naunang booking sila ng June 15, subalit di ito natuloy at na-reschedule ng July 4 dahil kailangan munang ma-renew ang Iqama ni Ric. Sabik na sabik na sanang umuwi si Laila, na taga Atimonan, Quezon, pagkat ilang araw na lamang ay ipapanganak na ang una niyang apo sa panganay na anak, subalit di na nga dumating ang takdang araw na iyon.
Mahigit dalawampung taon na sina Ric at Laila sa Saudi at dito na lumaki at nag-aral hanggang mag-haiskul ang kanilang dalawang anak na si Maricel at Mark Cesar. Ang panganay na si Maricel ay isa ng ganap na doktora ngayon habang si Mark naman ay nasa 3rd year na sa Engineering na parehong sa Dela Salle nag-aral ng kolehiyo.
Dahil sa tagal ng mag-asawa dito sa Saudi, naging kampante na ang kanilang kalooban na manatili rito kumpara sa atin at marahil dala na rin na mas kumbinyente ang pamumuhay rito kaysa sa Pilipinas at sa dahilang may magandang pinagkikitaan pa naman. Yun nga lamang, ang maganda sanang buhay at pangarap ay kagyat na naputol gawa ng di inaasahang pangyayari.
***********
Samantala, sa huling development sa kasong ito, umamin na at nakilala ang suspect na pumatay kay Laila, na isang kaibigang babae (name withheld) at matagal ng kakilala ng biktima sa halos dalawampung-taon na. Ang salarin ay sinasabing madalas na pumapasyal sa bahay ng pinaslang at ng araw na iyon ay nagkaroon ng alitan ang dalawang ginang na humantong sa pagpatay ng huli kay Laila.
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

No comments:
Post a Comment