Monday, August 24, 2009

Mga Kababayan sa Al Eis Region, Ligtas Naman

Max Bringula (Abante ME Edition, 26 May 2009)

Ito ang iniulat ng Departmenf of Foreign Affairs sa Manila sa napabalitang sunud-sunod na paglindol na naganap sa Harrat Ash-Sharaqqah sa Al Eis Region ng Saudi Arabia. Ang nasabing lindol na nag-register ng 3.9 sa Richter scale ay sinasabing siya ng pinakamalakas na naranasan ng mga residente sa naturang lugar.

Ang Al Eis Region ay nasa Kanlurang bahagi ng Saudi Arabia kung saan maraming mga OFW’s na nagtratrabaho lalo sa lugar ng Jeddah at Yanbu.

Ayon rin sa report ng Philippine Consulate sa Jeddah, may dalawamput-anim na Filipino nurses na nagtratrabaho sa Al-Eis Hospital at mga trabahador na Pilipino ng Saudi Cooperative Electric Company ang inilikas pansamantala sa ligtas na lugar.

Pinapayuhan ang lahat ng Pilipino sa Al Eis region na manatiling mahinahon at wag mag-panic at sumunod lamang sa ipapayo at ipapagawa ng Saudi Civil Defense authorities kung saka-sakaling mauulit ang nasabing lindol.

Samantala, narito ang hotlines ng Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah na maaaring tawagan sa oras ng pangangailangan – Phone 6600348 / 6600354.


Seminar on H1NI Virus (Swine Flu) Isasagawa

Inihayag kamakailan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia ang pagdaraos ng isang Seminar on H1NI Virus o mas kilala sa tawag na Swine Flu. Ito ay kaalinsabay ng proyekto ng Embahada para sa Health Awareness Campaign kung saan hindi lang ang H1NI Virus ang tatalakayin kungdi maging ang iba pang fatal diseases tulad ng AIDS.

Gaganapin ang naturang seminar sa Al Taj International School in Riyadh sa June 26 sa ganap na ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon (8:00 AM – 5:00 PM).

Ang proyektong ito na itinataguyod ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa pakikipagtulungan ng mga Filipino community organizations sa Riyadh ay naglalayon din na magkaloob ng libreng medical at dental consultations. Inaanyayahan ang lahat ng OFWs na wag sayangin ang pagkakataong ito kung saan matutunan ang tamang pag-iwas sa mga sakit at kung papaano lalabanan ang mga ito upang matiyak ang isang magandang kalusugan.

Kung may katanungan sa proyektong ito, maaaring tumawag sa 482-3559 o 480-1918, o mag-eMail sa
filembry@sbm.net.sa.


Unang Swine Flu Case sa Pilipinas

Samantala, ang sinasabing unang report ng Swine Flu case sa Pilipinas na isang sampung-taong gulang na babae na galing sa Amerika ay nakaka-recover na at nagpapagaling, ayon kay Health Undersecretary Mario Villaverde ng Department of Health.

Wala namang “community-level outbreak” na dapat katakutan, ang pagtitiyak ni Villaverde.

(For comments and reactions, please eMail at
maxbringula@yahoo.com)

No comments:

Post a Comment