Max Bringula (Abante ME Edition, 31 May 2009)
Maraming katanungan tayong natanggap patungkol sa kasalukuyang ginaganap na Bio-Metric Finger Printing na pinatutupad ngayon ng General Directorate of Passport sa mga expatriates at kanilang mga dependents sa iba’t ibang siyudad at bayan ng Kaharian ng Saudi Arabia.
Ang nasabing direktiba ay kaalinsunod sa kampanyang isinasagawa ng gobyerno ng Saudi Arabia na maitala ang “biometric data” o yung basic information tulad ng pangalan, date of birth, sex, civil status, passport number, at iba pang mahahalagang impormasyon ng isang foreign worker at ng kanyang dependent na naninirahan sa Saudi Arabia. Ang impormasyong ito ay gagamitin upang mapadali ang proseso sa pagkuha (o pag-renew) ng exit-re-entry at final-exit visa, driver’s license, vehicle registration, at iba pang opisyal na dokumento na kadalasang kinakailangan ng mga expatriates.
Ayon kay Maj. Gen. Salim Al-Belaihid, Director General of Passport, ito rin ay magpapadali ng pagkakaloob ng resident work permit o Iqama sa isang trabahador at maiiwasan ang ilegal na pagpasok ng isang manggagawa taglay ang ibang pangalan o pekeng dokumento.
Sino ba ang dapat na magpa-finger-print o sakop ng ordinansang ito?
Ayon kay Al-Belaihid, ito’y ipinatutupad sa lahat ng mga dayuhang manggagawa at residente pati na ang kanilang mga dependents na may gulang na labin-siyam pataas (or over the age of 18).
Gayundin, walang penalty na ipapataw sa di makapagpapa-finger print on time pagkat walang time limit o dateline na ibinibigay ang Directorate taliwas sa mga napapabalitang hanggang 25 May 2009 lamang gagawin ito.
Saang lugar maaaring magpa-finger-print at anong oras?
Sa mga taga-Eastern Region, narito ang lugar na maaari ninyong puntahan:
1) Al Majdouie Tower sa King Fahad Street, Airport Road, Dammam (8:00 AM to 8:00 PM)
2) Dammam Government Passport Office (8:00 AM – 2:00 PM)
3) Jubail Government Passport Office (8:00 AM – 2:00 PM)
4) Al Hassa Government Passport Office (8:00 AM – 2:00 PM)
Sa ibang bahagi ng Eastern Region na hindi nabanggit, kayo ay maaaring pumunta sa malapit na Government Passport Office sa inyong lugar.
Mga Reaksiyon
Nais kong bigyan ng espasyo ang iba’t ibang reaksiyong aking natatanggap mula sa ating mambabasa sa ating panulat sa Kasabihang-Pinoy at maging dito sa Tinig ng Disyerto. Lubos ang aking pasasalamat sa patuloy ninyong pagtangkilik at pagbibigay ng mahalagang komento na higit na makakatulong sa panulat ng inyong abang-lingkod.
“Bato-bato sa Langit…” (nailathala noong 20 May 09)
Mula kay Jose John (di tunay na pangalan) - What are you trying to imply in this article? That most of us OFW's are stupid and violators?
Your points:1. Excess baggage - did it ever occur to you na maaaring walang sapat na pera ang may dala ng bagahe kaya sumusubok na maipalusot ang sobrang dalahin? Did it ever occur to you na ang madalas na gumagawa ng ganito ay ang mga OFW's na may maliliit na sahod? At kadalasan ay mga katulong na ang trato ng mga amo nila ay tila alipin? Na kadalasan ay inaabuso at hindi pinapasahod ng tama?
2. Pagsunod sa batas - did it ever occur to you na hindi kasalanan ng OFW na may pera ang mag"lagay" dahil may pera siya kundi ang "tradisyon" ng mga alagad ng batas (kuno) o kung ano man yan na "magpalagay"? Naisip mo ba na maaring ayaw magpaabala ang mga OFW na nasa bakasyon dahil sa maikling panahon na ilalagi nila sa Pilipinas at babalik na naman sa kung saan bansa upang kumayod at magpagal ng katawan upang may ipadala sa pamilya sa Pilipinas?
3. Pamilyado - sa mga OFW's lang ba ito nangyayari? Hindi baga't mas talamak ito sa sariling bayan mismo? Naisip mo ba na maaaring ito ang isa sa mga paraan ng OFW's na makatagal sa bansang kanilang pinag-tatrabahuan? Na ang OFW's ay "tao" rin na nangangailangan ng "affection"? Na hindi lamang ang katawan ang napapagal kundi ang isip at damdamin din? Na ang OFW's ay may emosyon din at may pagnanasang makalupa na nais maibsan?
4. Sugarol, lasengo, pagiging arogante at mapanisi sa gobyerno - nakabisita ka na ba sa immigration ng mga bansang madalas magka-problema ang mga Pilipino gaya ng Saudi Arabia o Middle East? Kung hindi pa, maliit na porsyento lamang ng mga naroon na ang dahilan ay pagiging abusado at ang karamihan ay ang mga inabuso.
Negatibo lamang ang nais na ipahayag ng iyong panulat gayong sa bawat bagay ay may dalawang bahagi. Sigurado ako na alam mo rin ang kasabihan na ang barya ay may dalawang bahagi di ba?
(Dear Jose John, You're right, that there are always two sides of the coin, and this is exactly the purpose why we welcome comments and reactions like this so that we can present to the readers the other sides if the author might have missed or overlooked it. As the title of the article would want to put across, the contents of the article may not be true to some but may be true to others, thus it says, "bato-bato sa langit, ang tamaa'y wag magagalit". The author, of course, is presenting what is generally found, perceived or seen around. – Max Bringula)
*******
Mula naman kay Ms. Sarah (di tunay na pangalan) - Magandang hapon sa iyo! Marahil ang tinutukoy ng sinulat mong artikulo tungkol sa atin ay nakatuon sa ating lahat. Mahalagang magsilbing paalala at babala ito sa ating lahat. Kailangan din ang paulit-ulit na mga habilin dahil natural na sa atin ang pagiging makukulit at pasaway.
Sa puntong "excess baggage", minsan naisip na rin ba ng iba nating mga kasamahan sa trabaho na mas marami pa ang "padala" nila kaysa ating mga sariling pasalubong? gayun pa man, matatanggihan mo ba naman ang mga kasamahan mo kung sakaling "makisuyo" sila sa iyo?
Sa puntong "feeling bachelor" ang mga padre de pamilya, isa ba itong pagtakas sa katotohanang may pamilya sila sa Pilipinas? O ito ba'y kaganapan ng mapaglaro nilang isip sa kahibangan? Papasok na rito ang kakulangan o paglaho ng takot sa Diyos at ito'y isang usaping maaari pang palawakin.
Sa puntong "bagong bayani", saludo ako sa lahat ng OFW mapa-Saudi man o sa iba pang dako ng mundo. Napapanatili pa rin ang ating ekonomiya bagama't may "global financial crisis" dahilan na rin sa mga remittances, kapalit nito ay dugo, pawis at luha. Sa pagkakaalam ko, mas maigi pang humingi ng tulong sa kapwa Pilipino kaysa lumapit sa embahada/konsulado natin. Sa totoo lang, walang konkretong programa ang gobyerno sa mga "displaced" OFW’s. Iilan lang ang natutulungan ng POEA (na panay ang pa-"im"press release sa dami ng mga job vacancies sa ibang bansa) at OWWA (gayung ang laki na ng pundo nila mula sa mga OFW).
Ipagpatuloy po ninyo ang mga nasimulan nyo at mabuhay!
(Dear Sarah, Salamat ng marami sa iyong komento sa nasabing artikulo. I appreciated it. Tama rin ang iyong mga tinuran. Salamat sa paglalahad mo nito. – Max Bringula)
(For comments and reactions, please eMail maxbringula@yahoo.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment