Monday, August 24, 2009

OAV Registration sa Eastern, Tuloy-Tuloy Pa Rin

Max Bringula (Abante ME Edition, 30 May 2009)

Puspusan pa rin ang isinasagawang registration sa Alkhobar para sa Overseas Absentee Voting (OAV) na nagsimula noon pang 14 May 2009 at magtatapos sa June 05, 2009. Ito’y kasalukuyang idinaraos sa International Philippine School in Alkhobar (IPSA) tuwing Huwebes at Biyernes simula ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay nakatala na rin ng mahigit kumulang na limandaang registrants at tinatayang darami pa eto sa mga susunod na araw hanggang sa pagtatapos na nasabing registration. Nauna rito, may naitala na na mahigit isandaang registrants noong magkaroon ng registration na isinabay sa Embassy On-Wheels noong 02 at 03 April 2009.

Samantala, patuloy ang paghikayat ng POLO-Eastern Region Operations sa pangunguna ni Labor Attache, David Des T. Dicang, na magparehistro at gamitin ang karapatang bumoto. Ito rin ang panawagan ng mga community leaders sa Eastern Province sa lahat ng mga Pilipino sa Alkhobar, Dammam, Dhahran at karatig pook nito na di pa nakakapag-rehistro na tumungo na sa IPSA at magpa-rehistro hanggang may pagkakataon pa.

Ibinalita naman ng tagapagsalita ng Bagong Pilipinas na magpapadala sila ng sasakyan sa malalayong lugar tulad ng Al Hassa, Hofuf, Jubail at Qatif upang kaunin ang mga Pilipino na nais magparehistro subalit walang masasakyan para bumaba sa Alkhobar.

Samantala, sinisikap ng AFCSCOM (All Filipino Community and Sports Commission) na magkaroon ng extension ang nasabing registration. Kanilang hinihingi sa COMELEC sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia na magkaroon ng extension o kaya’y araw-araw na registration hanggang matapos ang pangkalahatang OAV Registration sa 31 August ng taong kasalukuyan. Kung kailangang kalampagin ang pamahalaan tungkol dito ay gagawin nila, ang dagdag pa ng tagapagsalita ng AFCSCOM.

Sa mga nagnanais na magparehistro, wag kalilimutang dalhin ang inyong valid passport o kaya’y kopya nito.

Para naman roon sa nangangailangan ng OAV Registration Forms, maaaring kayong pumunta sa website ng Philippine Embassy sa Riyadh
http://www.philembassy-riyadh.org/index.php?cat=&section=downloadableforms, at i-download ang nasabing form.

Sa dagdag na mga katanungan tungkol sa OAV, maaari bumisita sa mga sumusunod na website:

COMELEC:
http://www.comelec.gov.ph/
OAV:
http://www.comelec.gov.ph/oav/2010elec/contreg/komiks/komiks_01.html
2007 CLOAV: http://www.comelec.gov.ph/oavlist/oavlist.aspx
List of Removed Voters: http://www.comelec.gov.ph/oavlist/deactivated.aspx

(For comments and reactions, please eMail
maxbringula@yahoo.com)

No comments:

Post a Comment