Monday, August 24, 2009

Muling Pagdaraos ng OAV Registration sa EP, Aprubado Na

Max Bringula (Abante ME Edition, 19 July 2009)

Ina-prubahan na ng COMELEC ang request ng Alkhobar post na pagdaraos ng 5-days a week na OAV Registration sa Eastern Province mula sa Linggong ito hanggang 31 August 2009. Ito’y bilang pagsisimulang muli matapos ang apat na weekends registration na naunang ibinigay ng COMELEC.

Ang bagong approval ay batay sa isinumiteng request ng POLO-ERO sa Philippine Embassy, Riyadh noong 06 July 2009 kung saan hinihingi ng POLO-Eastern Region Operations na pahintulutan sila ng COMELEC na makapagdaos muli ng OAV Registration sa natitirang araw bago dumating ang huling araw ng OAV registration na itinakda ng COMELEC na 31 August 2009.

Ang registration ay gaganapin sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) sa mga sumusunod na oras:

Weekdays (Monday-Tuesday-Wednesday) – mula alas-kuwatro ng hapon (4 PM) hanggang alas-dose ng gabi (12:00 MN)

Weekends (Thursday-Friday) – mula alas-diyes ng umaga (10 AM) hanggang alas-sais ng gabi (6:00 PM)

Sa nakaraang emergency meeting na ipinatawag ni Labor Attache David Des Dicang noong 05 July 2009, nagkaisa ang mga representatives ng iba’t ibang Filipino community groups sa Eastern Province na mag-assist sa registration bilang mga volunteers o operators ng Data Capturing Machine (DCM). Sa ngayon ay may nakatalaga ng DCM Operators sa mga nasabing araw tulad ng: COMSOFIL – sa Thursday slot, PHILTECH sa Friday slot, ACES CYBERCOOP sa Tuesday slot at Pag-asa Community Support Group sa Wednesday slot. Tanging ang Monday slot na lang ang pupunuan.

May tatlong data-capturing machines na magagamit ngayon sa paninimula muli ng registration.

Samantala, inihayag kamakailan ng COMELEC na naglalayon sila na makapagtala ng isang milyong bagong OAV registrants para sa May 2010 election. Kanilang pinamanhikan sa bawat Filipino community groups at religious organizations tulad ng JIL (Jesus is Lord) at ang INC (Iglesia ni Kristo) na hikayatin ang kanilang mga miyembro na magpa-rehistro para sila’y makaboto sa darating na Halalan sa 2010.

Kung kaya’t inaanyayahan ang lahat nating mga kababayan na hindi pa nakapagre-rehistro, na tayo ng tumungo na sa registration centers sa inyong mga lugar. Huwag nating sayangin ang ating karapatang makaboto.

Magpa-rehistro na.

Anu-ano ba ang mga requirements para makapag-rehistro?

1) Personal Appearance – para sa biometrics capture ng inyong photo, thumb print at signature.

2) Valid Philippine Passport o kopya nito

3) Accomplished OAV Registration / Certification Form.

Maaaring ma-download ang OAV application forms sa sumusunod na link:
http://www.comelec.gov.ph/oav/downloadables/forms/registration.html

Sino-sino ang maaaring makapag-rehistro:

1) Lahat ng Filipino citizens abroad, na hindi diskuwalipado ng batas.
2) At least 18 years of age sa araw ng halalan.
3) Yung mga nakapag-rehistro na dati subailit di nakaboto sa nakalipas na dalawang election noong 2004 at 2007.

Subalit kung nakaboto naman kayo either sa 2004 o 2007, di na kailangang magpa-rehistro muli.

Sa mga taga-Eastern Province na may katanungan tungkol sa OAV, tumawag lamang sa POLO-ERO sa numerong (03) 865-1951, 894-1846, 894-2890, 899-5714 o sa kanilang Hotline 050-169742, o kaya’y mag-eMail sa
polo_ero2005@yahoo.com

Ang iba’y maaari ring bumisita sa website ng COMELEC sa
www.comelec.gov.ph kung may nais na maliwanagan tungkol sa Overseas Absentee Voting.

(For comments and reactions, please eMail at
maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

No comments:

Post a Comment