Tuesday, August 25, 2009

Kimverlie, the Pride of Eastern Province KSA

Max Bringula (Abante ME Edition, 22 July 2009)

Sadyang totoo ang kasabihang “pagkatapos ng unos, sinag ng araw ay muling sisikat”.

At ito ang aking nasaksihan na kaganapan sa lugar na ito ng Gitnang Silangan. Kamakailan lamang ay sunud-sunod na malulungkot at kalunos-lunos na pangyayari ang narinig at naranasan ng mga OFWs dito sa Eastern Province – ang pagpatay ng isang Pilipina sa sinasabing kaibigan niyang Pilipina, ang pagpapakamatay ng isang domestic helper sa may Dammam at ng isang Filipino technician sa Alkhobar, ang patuloy na pagdami ng mga run-aways, rape cases, phone-snatching, at marami pang ibang nakakabahalang kaganapan. Dagdag pa rito ang mga problemang kinasasangkutan mismo ng mga community leaders at ang manaka-nakang di pagkakaunawaan. Ang lahat ng ito’y sadyang nagdudulot ng paninimdim sa puso at sa iba’y panghihinawa.

Subalit tulad ng ating napapanood sa teleseryeng “May Bukas Pa” sa Primetime Bida, ang buhay ay di pulos lungkot at pighati, bagkus may ngiti at sigla rin namang dumarating at nararanasan. Tulad ng magandang balita na ating natanggap at nabasa sa pagkakapanalo ni Ms. Kimverlie Molina, the pride of Eastern Province, KSA, bilang “2009 Grand Champion Senior Vocalist of the World” sa katatapos na 13th Annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Los Angeles, California, USA noong July 11-19.

Ang buong Filipino community dito sa Eastern Province, Saudi Arabia ay nagdiriwang at nakikigalak sa tagumpay na ito ni Ms. Molina na kamakailan lamang ay nagdaos ng kanyang debut dito sa Alkhobar. Sadyang nakakataba ng puso ang ganitong balita. Balitang lalong nagpapatanyag ng ating pagiging isang Pinoy at taas-noong pagsasabing “Ako’y Pinoy!”.

Matatandaan na sa kumpetisyon ding ito nagwagi si Jed Madela nang siya’y hirangin “Grand Champion Vocalist of the World” noong 2005. Katangi-tangi nga ang talento ng Pinoy sa pag-awit na kung saan kinikilala hindi lang sa Pilipinas kungdi maging sa buong mundo, tulad ng mga singing sensations na sina Banig, Lea Salonga, Charice Pempengco, at Billy Crawford. Hindi malayong mararating din ni Kimverlie ang katanyagang nakamit ng mga nabanggit. Ang kailangan lamang ay ang pananatiling mapagkumbaba at ang papapahusay pa sa piniling propesyon. At ito’y akin namang nakikita kapag nakakasama at napapanood ko ang panganay na anak na ito ni Dr. Ronnie Molina, ang founder ng FILPOP (Fiipino Pop Music Clu) at Myrna Soriano.

Malayo na nga ang narating ng “TFC Popstar Middle East Grand Champion” mula ng makamit niya ang titulong ito noong 2006 sa Dubai. Ngayo’y abot kamay niya na ang mas higit pang tagumpay.

Lalo pang dumagsa ang mga offers na natatanggap ni Kimverlie matapos na siya’y tanghaling “2009 Grand Champion Senior Vocalist of the World”. Ang pinakahuli’y mga offers sa iba’t ibang recording companies at talent managers sa Hollywood.

Sa iyo, Ms. Kimverlie Molina, mabuhay ka! Isa kang karangalan sa bawat OFW’s.

(For comments and reactions, please eMail at
maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

1 comment:

  1. I admire her talent. Truly she is the pride of the OFW & Filipino. Kaya lang when i visited the official website, she is not under the Philippines. Instead she represinting Saudi Arabia. Well if there is some technicality doon ay sayang pa rin.

    ReplyDelete