Max Bringula (Abante ME Edition, 20 July 2009)
Nagkasama-sama ang iba’t ibang Filipino professionals sa Architecture, Certified Public Accountancy, Civil Engineering, Mechanical Engineering, at Electronics Communication Engineering sa isang oath-taking ceremony na ginanap sa Dhahran Palace Hotel noong nakaraang July 10, 2009, para sa mga mapalad na pumasa sa 2009 Licensure Examination na ginagawa taun-taon sa Saudi Arabia ng Philippine Regulatory Commission (PRC).
Ang oath-taking ceremony ay pinangunahan mismo ng PRC Chairman na si Ginoong Nicolas P. Lapena, Jr., na dinaluhan din ni Labor Attache David Des T. Dicang at Welfare Officer Edgar Lim ng POLO-Eastern Region Operations.
Layunin ng PRC na bigyan ng pagkakataon ang mga professionals na kasalukuyang nagtratrabaho sa abroad tulad sa Saudi Arabia na maging lisensiyado sa kani-kanilang propesyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng licensure examination. Ngayon taong 2009, may apatnaput-apat (44) na successful examinees sa Architectural Board Exam, tatlumput-lima (35) naman sa Civil Engineering, dalamput-anim (26) sa Mechanical Engineering, lima (5) sa Electronics Communication Engineering, at apat (4) sa Certified Public Accountancy.
Ang natatanging okasyon ay dinaluhan din ng mga officers and members ng bawat organisasyong kumakatawan sa nabanggit na disciplines (o professions) tulad ng United Architect of the Philippines (UAP), Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA), Philippine Institute of Civil Engineers (PICE), Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME-SA), at Institute of Electronics Communication Engineers of the Philippines (IECEP). Ang mga nabanggit na organisasyon ay siya namang bumubuo ng bagong tatag na Philippine Professional Organization (PPO) – Saudi Arabia, kasama ang Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc. (IIEE-ERCSA).
Masayang ibinalita ni Arch. Leo Cefre, ang bagong Pangulo ng PPO-SA at siya ring Presidente ng Master Builders Association of the Philippines (MBAP-ECSA), na magkakaroon muli ng Licensure Examination sa darating na Nobyembre ng taong kasalukuyan. Ito’y gaganapin sa Alkhobar sa November 26, 27 at 28, at sa first week ng December, sa Jeddah, Qatar at Abu Dhabi.
Sa isang diyalogo na isinagawa ng araw ding iyon kasama ang PRC Chairman napag-alamang maaaring magkakaroon din ng licensure examination para sa mga nurses at mga guro. “Kailangan lamang ang masusing paghahanda upang ito’y maisakatuparan” banggit ni Ginoong Lapena.

Samantala, maaari nang magpalista at sumama ang mga nagnanais na kumuha ng licensure examination sa mga nagaganap na reviews tuwing Biyernes, mula umaga hanggang hapon. Makipagbigay-alam lamang kay Arch. Cefre (CP No. 050-5849065) para sa ibang detalye nito.
Nagbigay ng karagdagang sigla sa okasyon ang mga natatanging bilang na inihandog ng FILPOP (Filipino Pop Music Club) artists na sina Bong Buella, Eia Melissa Cefre, Krizia Monik Gutierrez at Chariz Bejesa. Naging panauhin din ang pambato ng Riyadh sa pag-awit na si Ms. Radzna Arabain.
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

No comments:
Post a Comment