Monday, August 24, 2009

Opisyal na Pahayag ng Programang Bantay OCW ni Susan K

Max Bringula (Abante ME Edition, 19 July 2009)

Kami’y nakatanggap kamakailan lamang ng sipi ng opisyal na pahayag ng programang Bantay OCW ni Susan M. Andes na mas lalong kilala sa taguring na Susan K. patungkol sa isa nating kasamahan sa Filipino community group dito sa Eastern Province na si Albert Guanzon.

Nakasaad sa isang pahinang pahayag ang pagtanggi ng Bantay OCW Foundation, Inc. kay Mr. Guanzon bilang opisyal na miyembro ng programang Pilipinas On-Line Bantay OCW. Na ito’y nagboluntaryo lamang sa kanila sa pamamagitan ng text messages na ipinadala nito na nais niyang makatulong sa kapwa-OFW sa Saudi sa pamamagitan ng pag-uulat sa kanilang programa sa DZRB-Radyo ng Bayan, na di naman nila ipinagkait.

Ang pahayag ay inilabas pagkatapos na makatanggap ang Bantay OCW Foundation ng reklamo mula sa Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia laban kay Albert.

Idinagdag pa nila na walang kinalaman ang programang Bantay OCW sa anumang kinasasangkutan ni Albert sa Saudi Arabia at wala itong pahintulot na gamitin ng grupo ni Albert ang pangalang Bantay OCW bilang KSA Chapter nito.

Labis na ikinabahala ni Susan ang sunod-sunod na sumbong at reklamo na kanilang natatanggap laban kay Albert kung kaya’t agad nilang ipinahinto ang pag-uulat ni Guanzon sa kanilang programa.

Si Susan ay Managing Director ng Bantay OCW Foundation, Inc. na ang punong-tanggapan ay matatagpuan sa 4/F PIA Building, Visayas Avenue, Quezon City. Siya ang producer/host ng malaganap na programang Pilipinas Online-Bantay OCW na napapakinggan sa Pilipinas araw-araw sa DZRB-Radyo ng Bayan at napapanood naman sa NBN Channel 4. Sila’y maaaring tawagan sa numerong 00-632-7191674 o sa kanilang Helpline (0919) 2140699, o kaya nama’y sulatan sa eMail address na susankbantayocw@yahoo.com.

Batay naman sa report na nanggaling sa POLO-ERO, may mga reklamo silang natatanggap mula sa mga OFWs na pinangakuan ni Guanzon ng tulong na minsa’y may karampatang halaga sa pag-aakalang siya’y taga-Embahada o taga POLO-ERO na siya niyang pakilala sa kanila, na sa halip na mabigyan sila ng tulong na kakailanganin ay lalo pang nalalagay sa kapahamakan ang naturang distressed OFW.

Si Albert ay madalas na napagkikita kung saan mayroong OFW activities tulad ng buwanang Embassy On-Wheels at kumukuha ng mga video footages at nagpapakilalang miyembro ng media. Ilang beses na rin siyang in-assist ng POLO-ERO mula sa kapulisan dahil sa kasong kinasangkutan nito. Si Albert ay dating pangulo ng Kasangga ng OFW na ayon sa pangulo nito ngayon na si Engr. Ismael Sulit ay kanila nang binubuwag upang di na masangkot pa ang nasabing organisasyon sa mga kontrobersiya sanhi ni Guanzon.

Maraming nagtatanong kung si Mr. Guanzon ba ay empleyado o representative ng POLO-ERO. Upang maliwanagan ang lahat at para sa kaalaman ng publiko at ng mga OFWs in particular, binanggit ni Labor Attache David Des Dicang na sila’y maglalabas ng advisory ng listahan ng mga opisyal na nanunungkulan sa POLO-Eastern Region Operations pati na ang mga kaukulang numero ng maaari nilang tawagan para sa tulong o oras ng pangangailangan.

(For comments and reactions, please eMail at
maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

No comments:

Post a Comment