Saturday, August 29, 2009

Aquino - Simbolo ng Demokrasiya

Max Bringula (Abante ME Edition, 03 August 2009)

Sumakabilang-buhay na ang tinataguriang “icon of democracy”, ang dating Pangulong Corazon Aquino.

Sa pahayag ng kanyang panganay na anak na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, ang dating Pangulo ay binawian ng buhay sa ganap na ikatlo ng umaga ng Sabado, 01 August 2009. Halos isang taon din ang pakikipaglaban ng Pangulo sa sakit na colon cancer mula nang ma-diagnose siya na may sakit na ito noong isang taon.

Sa gitna ng karamdamang iyon, nanatiling matatag at payapa ang ipinakita at ipinadama ni Tita Cory sa sambayanang Pilipino na nagmahal sa kaniya at buong pusong nakipagkaisa sa kanyang layuning mapanatili ang demokrasiya sa Pilipinas.

Si Aquino’y tunay na maituturing na simbolo ng demokrasiya tulad din ng kanyang asawang si Ninoy Aquino di lamang sa Pilipinas kungdi maging sa buong mundo. Sa pamamagitan ng isang mapayapang “people’s power” na naganap noong 1986 ang simpleng maybahay ni Ninoy ay iniluklok ng sambayanang Pilipino bilang Pangulo ng Pilipinas at siyang naging daan upang magwakas ang mapang-aping rehimen ni Ferdinand Marcos na naranasan ng maraming sa kanyang administrasyon sa loob ng dalawampung taon.

Ang pangyayaring ito’y nagbigay din ng inspirasyon sa bawat bansa sa ibang bahagi ng mundo na nagnanais na makalaya rin at makamit ang pinaka-aasam-asam na demokrasiya. Naging bukam-bibig ang pangalang Aquino at ang kakaibang “people’s power” sa Pilipinas.

Dahil dito tunay na maituturing na simbolo ng demokrasiya si Tita Cory. Sa pamamagitan niya ay nakakabanaag ang mga Pilipino ng pag-asa na muling magiging malaya sa kamay ng mapang-abusong pamahalaan. Ang kanyang malinis na puso at hangarin at pananalig sa Poong Maykapal ang nagbibigay lakas sa mga Pilipino na ipaglaban ang demokrasiyang nakamit sa mga kamay na nagnanais na ito’y muling agawin.

Mananatili sa puso’t isipan ng maraming Pilipino ang dating Pangulong Aquino. Ang kanyang mortal na katawan lamang ang pumanaw, subalit ang kanyang alaala ay mananatiling buhay magpakailanman. Siya’t mananatiling “Tita Cory” sa sambayanang Pilipino, ang simbolo ng demokrasiya sa Pilipinas.

Samantala, ang labi ni Ginang Aquino ay kasalukuyang nakalagak sa De La Salle Catholic School simula pa noong Sabado at mananatili roon hanggang Lunes upang masilayan sa huling sandali ng mga nakikiramay at ng sambayanang Pilipino bago ito tuluyang ilibing sa tabi ng puntod ni Ninoy sa Manila Memorial Park sa Miyerkules, 05 August 2009.

Nagdeklara ang Pilipinas ng sampung araw na pagluluksa at ang Armed Forces of the Philippines ay magbibigay ng “full military honors” sa araw ng kaniyang libing.

Sa iyo, Tita Cory, maraming salamat sa pagbibigay mo ng magandang halimbawa ng katatagan, kababaang-loob at pagmamahal sa bayan.

************

LabAtt Des Dicang – Maligayang Kaarawan

Nagdaos naman ng kanyang ika-apatnapung kaarawan ang butihing Labor Attache ng Eastern Province na si Honorable David Des T. Dicang noong August 1.

Isang munting programa at salu-salo ang inihanda ng mga community leaders na malapit sa kanya, mga kaibigan at mga kasamahan sa POLO-ERO na ginanap sa Conference Hall ng Mohammad Dossary Hospital noong bisperas ng kanyang kaarawan.

Dumalo sa nasabing pagdiriwang si Ambassador Antonio Villamor. Sa kanyang maikling pananalita para sa celebrant, kanyang nabanggit ang isang popular na kataga na “best things comes in small packages” na tumutungkol marahil sa physical stature ng celebrant subalit malaki naman ang nagawa at nagagawa sa mga OFWs sa Eastern Province bilang Labor Attache nito.

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni LabAtt Des sa mga dumalo at nagsagawa ng surprise birthday treat na iyon. “Your presence is enough for me to always cherish and treasure of” ang salitang binitawan ni Dicang sa mga naroroon ng gabing iyon. Bakas sa kanyang mukha ang kaligayahan at pasasalamat.

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

1 comment:

  1. Hi kaibigan, dito ako upang sabihin sa iyo ang lahat ng kung paano ako manalo pabalik ang aking asawa pagkatapos ng mahabang paghihiwalay. Hindi ako nakapagsanganak pagkatapos ng anim na taon ng pag-aasawa, kaya hinabol ako sa bahay ng aking asawa at ng kanyang pamilya nang sabihin ko ang isang matandang kaibigan ko na nagturo sa akin sa dakilang lalaking ito na nakatulong sa akin na maibalik ang nasira kong tahanan. ang tunay na isang bagay ng kagalakan at ako ay napakasaya ngayon kasama ang aking asawa at ang aming maliit na prinsesa mandera. Lahat salamat sa mahusay na doc na ito. narito ang kanyang kontak kung kailangan mo ng anumang tulong mula sa kanya. email: okosunhomeofsolution@gmail.com o whatsapp sa pamamagitan ng +2348026905065

    ReplyDelete