Max Bringula (Abante ME Edition, 14 July 2009)
Nagkaisa ang iba’t-ibang Filipino community groups sa Eastern Province na ituloy ang registration ng Overseas Absentee Voting sa nalalabing dalawang buwan bago dumating ang huling araw ng Registration na itinakda ng COMELEC na 31 August 2009.
Sa isang emergency meeting na ipinatawag ni Labor Attache David Des Dicang at ginanap noong nakaraang Linggo, 05 July 2009, sa Al Suwaidi Camp, Jubail, dumalo ang mga representatives ng AFCSCOM (All Filipino Community and Sports Commission), OFW Congress, Philippine Professional Organization (PPO), at FILCOM-Jubail na kumakatawan sa iba’t ibang mga samahan na kabilang sa regional, sports, cultural, civic and professional groups upang talakayin ang pagpapatuloy ng OAV Registration at iba pang mahahalagang issues. Kasama ni LabAtt Des na dumalo sa pulong si Welfare Officer, Edgar Lim.

Sa nasabing meeting, inihayag ni LabAtt Des ang pagsisikap ng POLO-ERO na ma-aprubhan ang request nito na extension ng OAV Registration sa Eastern Province na matagal ng isinumite sa COMELEC at Department of Foreign Affairs (DFA).
Matatandaan na apat na weekends lang ang in-approve ng COMELEC na may karampatang budget upang idaos ang OAV Registration sa Eastern Province. Ito’y ginanap noong 14-15 May hanggang 04-05 June 2009 sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar).
Sa apat na weekends na iyon nakapagtala ang POLO-ERO ng 812 registrants gamit ang isang Data Capturing Machine (DCM) lamang.
Ayon naman sa huling report, nakapagtala na ng 1089 registrants ang POLO-ERO as of 28 June 2009. Kabilang dito ang mga nai-register sa OAV Registration na ginanap kasabay ng Embassy On-Wheels noong 02-03 April 2009 at 30 April-01 May 2009, at yung mga nag-register sa Philippine Embassy-Riyadh.
Gayunpaman, ang apat na weekends na ibinigay ng COMELEC ay di naging sapat upang ma-accommodate ang maraming mga registrants na nais na makaboto sa darating na halalan sa 2010. Dagdag pa na iisa lamang ang Data Capturing Machine na ginagamit pagkat di naihabol ang karagdagang makina na manggagaling pa sa Hongkong. Kung kaya’t magdagsaan man ang mga OFWs para magpa-register ay di rin sila na-accommodate.

Dahil dito, napagkasunduan sa pulong ang pagkakaroon ng “Bayanihan” o ang pagtutulung-tulungan ng iba’t ibang Filipino organizations at ng POLO-ERO upang matiyak na maituloy ang OAV Registration sa mga nalalabing araw at linggo ng buwang kasalukuyan at darating. Sisikaping magkaroon ng registration ng weekends at weekdays.
Ilan sa mga gagawin ay ang sumusunod:
1) Ang pagtatalaga ng Volunteers bilang DCM Operators na walang ano mang remuneration o compensation. Sila’y sasanayin at isu-supervise ng POLO. Sa ngayon ay may tatlo ng DCM’s na magagamit.
2) Ang pagngangalap ng pambayad sa Renta ng venue na nagkakahalaga ng SR 155 kada araw. Ang OAV Registration ay kailangang gawin lamang sa premises ng IPSA ayon sa COMELEC o ng DFA/OAVS.
3) Ang paghimok sa mga Filipino restaurants na magkaloob ng libreng pagkain para sa mga volunteers. Ang registration ay i-iskedyul ng 4:00 pm hanggang 12:00 AM during weekdays, at 10:00 AM hanggang 6:00 PM during weekends.
4) Ang pagkokopya ng mga Forms na kakailanganin para sa registration.
Hindi na kakailanganin pa ng POLO-ERO ang budget mula sa COMELEC para isagawa ang OAV Registration pagkat ang gagastusin ay pagtutulung-tulungan na lamang ng POLO-ERO at ng mga Filipino community groups upang matiyak lamang na maisagawa ang OAV Registration.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang “go signal” mula sa COMELEC o sa DFA-OAVS at sa Saudi Ministry of Foreign Affairs para masimulan ito sa madaliang panahon.

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)
No comments:
Post a Comment