Max Bringula (Abante ME Edition, 01 July 2009)
Pinay, Pinatay Pagkatapos Nakawan
Isang kalunus-lunos na balita ang inihatid sa atin nitong Lunes ng umaga tungkol sa isa nating kababayan na pinatay sa loob ng kanilang bahay sa Alkhobar sa may First Street na malapit sa Al Fakhry Hospital noong Linggo matapos na ito’y pagnakawan.
Ang biktima ay kinilalang si Laila Castano, na ang mister ay nagtratrabaho sa Aramco-Abqaiq. Kasalukuyan ngayong iniimbistigahan ng kapulisan ng Saudi Arabia ang kaso, sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas at POLO- Eastern Region Operations, upang alamin kung papaano ito naganap at sino ang may kagagawan ng krimen
Ayon sa report, maaaring nasalisihan si Laila ng magnanakaw at nakapasok ito sa bahay. Si Laila ay araw-araw na naiiwan sa bahay kapag pumapasok na ng trabaho ang kanyang mister, at siya’y nag-iisa lamang dito kapag wala ang asawa.
Nalaman ng asawa ang malagim na naganap sa kanyang maybahay pag-uwi nito at maratnan ang duguan at wala ng buhay na si Laila.
Sadyang napaka-delikado na ng kapanahunan natin ngayon kumpara noong araw. Marami ng masasamang elemento ang aaligid-aligid sa atin. Kung kaya’t ibayong pag-iingat ang dapat gawin. Marami na ang ganitong pangyayari ng pagnanakaw at karahasan na humahantong minsan sa kasawian ang ating nababalitaan, di lamang sa mga Pilipino kungdi maging sa ibang lahi rin. May kumpirmadong naganap at ang iba’y bali-balita lamang. Gayunpaman, dapat na mag-ingat pa rin.
Dapat na magbigay babala at paalala sa ating mga kababayan ang mga ganitong pangyayari. Marami ng mga modus operandi ang ginagawa ngayon ng mga may maiitim na budhi na ang tanging pakay ay magsamantala sa kahinaan ng iba at gumawa ng masama.
Hindi iilan ang nahablot ang kanilang celfon o ng back pack habang naglalakad. May tinututukan ng baril o matulis na bagay habang nagwi-withdraw sa ATM. May nadurukutan habang nakapila para magpadala ng remittance. May nabibiktima ng “hulog pera”, o ng fake na celfon na binibenta sa murang halaga.
Maging ang inyong lingkod ay naging biktima ng karahasan nang minsan ako’y maholdap ng tatlong kabataang Saudi sa may kalye ng Alkhobar at makuha ang aking PDA dalawang taon na ang nakalipas Nais kong manglaban noon sa pilit na kumukuha ng aking PDA pagkat may kamahalan ang bili ko niyon, subalit sinisimulan na nila akong saktan at pagtulungan kung kaya’t ibinigay ko na lang iyon kaysa buhay ko naman ang maging kapalit.
Upang matiyak ang kaligtasan, anu-ano ba ang pag-iingat na dapat nating gawin?
1) Maging listo sa lahat ng oras. Kapag naglalakad, igala ang paningin sa kaliwa’t kanan, sa harapan at likuran upang bantayan kung may kakaibang kilos ang nakakasabay lalo na ang ibang lahi.
2) Huwag agad magbubukas ng pinto. Lahat naman ng pintuan sa ating tinitirhan at inuupahan ay may maliit na butas kung saan masisilip mo kung sino ang kumakatok at nais pumasok. Kung hindi kilala at wala ka namang hinihintay na darating ay huwag nang papasukin hanggang di siya nagpapakilala o magsasama ng kakilala mo.
Kahit na naka-suot uniform ng pulis o isang mutawa ang nais pumasok, wag agad pagbubuksan hanggang di nagpapakita ng papel o authorization, permit o warrant upang sila’y pumasok ng iyong bahay. Kung makapasok man sila ay wag agad mag-panic, kungdi maging mahinahon.
3) Huwag magpapaniwala agad. Kung may makikilala o kakausap sa inyo na di kilala lalo na ng ibang lahi kahiman marunong siya o matatas mag-Tagalog, huwag agad magpapadala sa kanilang sinasabi o panghihikayat. Gamitin ang common sense o wisdom at pakiramdam kung tama ba o totoo ang sinasabi ng iyong kausap. Huwag masisilaw sa salapi o sa mga bagay na kumikinang.
4) Huwag maglalakad ng mag-isa o sa madilim na lugar. Hangga’t maaari, sikaping may kasama lagi kapag maglalakad patungong pamilihan o kung magpapadala ng pera, o kung may pupuntahan. At huwag daraan sa madilim na lugar na wala halos ibang taong naglalakad.
5) Huwag magdadala ng mamahaling bagay. Kung hindi naman kailangang dalhin ay huwag ng magdala ng mamahaling bagay at wag maglalabas ng gamit na makatatawag-pansin kung hindi naman kailangang ilabas ito tulad ng celfon o laptop.
5) Laging i-lock ang pinto ng sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok pa lang sa sasakyan ay i-lock kaagad ito at habang nasa loob ng sasakyan panatilihing naka-lock ang pinto pagkat baka may biglang sumalisi at pumasok.
6) Manalangin lagi kapag lalakad o aalis. Mabisa pa rin ang panalangin lalo ang tamang panalangin. Laging lalakipan ng panalangin ang mga pag-iingat na ating ginagawa, pagkat Siya ang higit na makapag-iingat sa atin.
****************
Pinay Na-Rescue
Sa sama-samang puwersa ng POLO-Eastern Region Operations sa pangunguna ni Labor Attache David Des T. Dicang kasama si Welfare Officer Edgar Lim, na-rescue ang isang domestic helper na salit-salit na pinagsamantalahan ng kanilang Arabian recruiter na nagngangalang Abu Khalid. Nasa pangangalaga na siya ngayon ng POLO-ERO.
Ayon sa Filipina domestic helper (name withheld), dalawampu raw sila roon na dinala sa recruiting office sa Dammam at doo’y pinagsasamantalahan ng may-ari at mga kaibigan nito’t mga anak.
Sinisikap ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa tulong ng Saudi Police na mailigtas pa ang mga natitirang mga Pilipina na naroroon.
(For comments and reactions, please eMail maxbringula@yahoo.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hello Everybody,
ReplyDeleteMy name is Ahmad Asnul Brunei, I contacted Mr Osman Loan Firm for a business loan amount of $250,000, Then i was told about the step of approving my requested loan amount, after taking the risk again because i was so much desperate of setting up a business to my greatest surprise, the loan amount was credited to my bank account within 24 banking hours without any stress of getting my loan. I was surprise because i was first fall a victim of scam! If you are interested of securing any loan amount & you are located in any country, I'll advise you can contact Mr Osman Loan Firm via email osmanloanserves@gmail.com
LOAN APPLICATION INFORMATION FORM
First name......
Middle name.....
2) Gender:.........
3) Loan Amount Needed:.........
4) Loan Duration:.........
5) Country:.........
6) Home Address:.........
7) Mobile Number:.........
8) Email address..........
9) Monthly Income:.....................
10) Occupation:...........................
11)Which site did you here about us.....................
Thanks and Best Regards.
Derek Email osmanloanserves@gmail.com