Saturday, August 29, 2009

Mga Iba't Ibang Katanungan

Max Bringula (Abante ME Edition, 30 July 2009)

Pansamantalang bibigyan natin ng espasyo sa column na ito ang iba’t ibang katanungan na aking natanggap sa eMail at text messages mula sa ating mambabasa sa KSA, Bahrain at Qatar, upang sa pamamagitan nito ay maibahagi rin sa lahat ang kasagutan na maaaring makatulong din sa makakabasa.

OAV Registration

Gud PM. Binabasa ko ang column nyo ngayon about OAV pero ala pong nabanggit na date kung kelan ulit. Di pa po ko nakapagrehistro. (KSA)

Hangad ko ding makaboto sa darating na halalan. Magkakaroon pa kaya ng registration para sa OAV dito. (Mark-Eastern Province)

Kailan po ang Registration dito sa Riyadh para sa election 2010. (OFW-Riyadh)

Nagsimula na muli ang OAV registration sa Eastern Province noong 20 July at ito’y magtatapos sa 31 August 2009. Ginaganap ito sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) tuwing Lunes, Martes at Miyerkules mula ika-anim ng gabi hanggang alas-dose ng umaga, at tuwing Huwebes at Biyernes sa ganap na ika-sampu ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.

Samantala sa Riyadh at Jeddah ay tuloy-tuloy pa rin ang registration na ginaganap sa loob ng Embahada at Konsulada.

Ask ko lang po. Ano po ba requirements para magpa-rehistro. Iqama lang ba? (KSA)

Dalhin ang kopya ng inyong valid passport. Hindi sapat ang Iqama lamang.

Ask lang po. Di pa kc ako nagparehistro sa OAV gawa ng schedule ko. 12 to 10 pm duty ko. Taga ARAMCO Commissary Dhahran po ako work. Sana makaboto ako. (KSA-Dhahran)

Puwedeng-puwede kang makaboto, kabayan. Sikapin mo lang na makapagrehistro ka bago mag August 31. Mayroon registration ng 6pm hanggang 12 midnight tuwing Lunes, Martes at Miyerkules sa IPSA. So pwede mong mahabol ang sked na ito pagka-labas mo sa trabaho ng 10pm.

Nais ko sana magtanong. Dito kc ako sa Eastern Province, Saudi. San ba nakaka-register para sa absentee voting? San ba pwde lumapit na opisina?

Kabayan, ang OAV registration ay kasalukuyang ginaganap sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar). Sa ngayon, ito lamang ang official na venue na pinagdarausan ng registration dito sa Eastern Province.

Pwede po bang magpa-register dito pero sa Pinas na ako makakaboto dahil uwi na po ako sa October? (OFW-Bahrain)

Ang registration na ginaganap ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay para sa overseas absentee voting na ang ibig sabihin ay sa labas ng Pilipinas boboto. Kung ikaw ay uuwi na sa Pilipinas at naroon ka sa Halalan sa Mayo 2010, hindi ka puwedeng dito magrehistro at sa Pilipinas boboto.


Revised Saudi Labor Law:

Hello sir. Can u please send me a copy of Revised Saudi Labor Law? (KSA)

Sir, I want a copy of revised Saudi Labor Law. How can I have it? (Jayron Sercenia – Riyadh, KSA)

Para sa mga nagnanais ng kopya ng Revised Saudi Labor Law (in Tagalog or English or both), pki-bigay o pki-text sa akin ang inyong eMail address.

On Kimverlie Molina’s Success in WCOPA

Sana po makauwi si Ms. Molina sa atin at makapag-guest sa tv show para makilala sya ng mga Pinoy. Di ko po kilala si Ms. Molina but I’m proud to say “ako’y Pinoy” gawa ni Ms. Kim. Good luck po sa column nyo at sana magtagal pa ng more years. (Arlon-Qatar)

Hayaan mo Arlon ipararating ko kay Kimverlie ang iyong tinuran at sana nga hindi lang sa Pilipinas makilala at sumikat si Kim kungdi maging sa buong mundo. Ang tagumpay ni Kim ay tagumpay din nating mga OFWs.

Miscellaneous

Gud PM po. Request lang po ako ng eMail addy ng OWWA, POEA, DOLE, Senators at PGMA (if possible po). Thanks. (Riyadh-KSA)

OWWA
opcenter@owwa.gov.ph / owwa_opcenter@yahoo.com
POEAinfo@poea.gov.ph / poeainfocenter@yahoo.com
Senators senjinggoyestrada@senate.gov.ph / sendrilon@senate.gov.ph

Pwede ko pa bang kunin ang cefon number ni Col. Jimmy Manabat, PNP Senior Superintendent kasi po may problema po ako ngayon dito sa Saudi. (KSA)

Maaaring tawagan si Col. Manabat sa kanyang mobile number na 055-1200795.

May PRC representative po ba rito sa KSA para makapag-rehistro as dental technology/hygienist as Phil. Dental Act 07? (OFW-Jeddah)

Walang nakatalagang representative ang PRC dito sa Saudi o maging sa buong Middle East, subalit madalas naman silang nakakapunta kapag may idinaraos na licensure Examination. Maaaring bumisita sa kanilang website sa
www.prc.gov.ph para sa karagdagang kasagutan sa iyong katanungan.


************

Embassy On-Wheels sa Eastern Province

Muling gaganapin ang Embassy On-Wheels (EOW) sa Eastern Province sa darating na August 6 and 7. Ito’y idaraos sa IPSA (International School in Alkhobar) sa mga sumusunod na oras at petsa:

August 6 (Thursday) – 8:00 AM – 5:00 PM
August 7 (Friday) – 7:00 AM – 11:00 AM

Sa huling EOW na ginanap noong July 2 and 3, may 700 machine-readable passport (MRP) applications ang kanilang na-process na tinatayang mai-re-release sa August 6 and 7.

Sa mga aplikante, maaaring i-verify sa website ng Embassy, ang
www.philembassy-riyadh.org kung available na ang kanilang bagong pasaporte. Para makuha ang bagong MRP, kailangang dalhin ng aplikante ang kanyang lumang passport at resibo ng pagbayad. Kung hindi makakasipot ang aplikante para kunin ang MRP, maaari siyang magbigay ng authorization letter sa kasama upang makuha ang MRP in his/her behalf.

(For comments and reactions, please eMail at
maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

1 comment:

  1. Hi kaibigan, dito ako upang sabihin sa iyo ang lahat ng kung paano ako manalo pabalik ang aking asawa pagkatapos ng mahabang paghihiwalay. Hindi ako nakapagsanganak pagkatapos ng anim na taon ng pag-aasawa, kaya hinabol ako sa bahay ng aking asawa at ng kanyang pamilya nang sabihin ko ang isang matandang kaibigan ko na nagturo sa akin sa dakilang lalaking ito na nakatulong sa akin na maibalik ang nasira kong tahanan. ang tunay na isang bagay ng kagalakan at ako ay napakasaya ngayon kasama ang aking asawa at ang aming maliit na prinsesa mandera. Lahat salamat sa mahusay na doc na ito. narito ang kanyang kontak kung kailangan mo ng anumang tulong mula sa kanya. email: okosunhomeofsolution@gmail.com o whatsapp sa pamamagitan ng +2348026905065

    ReplyDelete